Kondisyon ng 52 4Ps workers na biktima ng food poisoning sa Cotabato City, minomonitor ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na minomonitor ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office ang kondisyon ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) workers na naging biktima ng food poisoning sa Cotabato City, Maguindanao del Norte.

Batay sa ulat ng BARMM Ministry of Social Services and Development (MSSD), sinabi ni Minister Raisa Jajurie na nabigyan na ng initial assistance ang 4Ps workers.

Ginagawa na rin nila ang lahat para sa kalusugan at kaligtasan ng 52 workers ng 4Ps na nakaranas ng sintomas ng food poisoning.

Ayon sa ulat, dumalo ang 4Ps workers sa staff development training sa isa sa mga hotel sa Cotabato City noong Setyembre 14 nang mangyari ang food poisoning.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang BARMM’s legal office at chief of staff ng MSSD minister sa nangyaring insidente.

Nangako naman ang pamunuan ng hotel na tutulungan ang mga biktima ng food poisoning. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us