Palalawakin ng Pilipinas at Bangladesh ang kooperasyong pandepensa sa pamamagitan ng edukasyon at pagsasanay.
Ito ang napag-usapan ni Major General Noel Beleran PN(M), Deputy Chief of Staff for Education, Training and Doctrine, J8 ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Brig. Gen. Kazi Anisuzzaman, Directing Staff Army-6, National Defense College, Mirpur Cantonment ng Bangkadesh sa pagbisita ng huli sa Camp Aguinaldo kahapon.
Dito’y tinalakay ni Maj. Gen. Beleran ang mga kurso at exchange program na available sa AFP at ang kanilang kahandaang makipagtulungan sa mga kaalyadong bansa.
Ibinahagi naman ni Brig. Gen. Anisuzzaman ang mga hamong kinakaharap ng kanilang bansa at mithiin na palakasin ang “connectivity” sa mga kaibigang bansa.
Ang National Defense College of Bangladesh ay kasalukuyang nagsasagawa ng Study Tour sa Pilipinas. | ulat ni Leo Sarne