Korte Suprema, patuloy na nirerepaso ang panuntunan sa paggawad ng iba’t ibang ‘writs’ o ‘legal recourse’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nirerepaso na ngayon ng hudikatura ang iba’t ibang writs o legal recourse na maaaring ihain sa korte para makakuha ng proteksyon.

Sa budget deliberation ng panukalang pondo ng hudikatura, natanong ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro kung ano na ang update sa hiling noon ni dating Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na baguhin ang proseso ng pagkuha ng Writ of Amparo.

Ayon kay Castro, 18th Congress pa noon nangako ang Korte Suprema para ito ay silipin at ayusin partikular ang pagrepaso sa requirements para gawaran ng writ.

Tugon ni Appropriations Vice Chair Ruwel Peter Gonzaga, sponsor ng budget ng judiciary kasalukuyang sumasailalim na sa review ang proseso ng paggawad ng iba’t ibang writs, gaya ng Writs of Amparo, Habeas Corpus at maging Habeas Data.

Pinamumunuan aniya ni Justice Marvic Leonen ang naturang komite at inaasahan na makapaglalabas na ng draft para sa nirebisang panuntunan.

Posible ani Gonzaga na sa unang bahagi ng 2024 ay mailabas ang naturang draft. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us