Hindi saklaw ng kapangyarihan ng Korte Suprema na ituring bilang krimen ang red-tagging.
Ito ang paglilinaw ni Appropriations Vice-Chair Ruwel Gonzaga, nang ihirit ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro kung pwede bang magkaroon ng inisyatibo ang Korte Suprema na i-review o linawin ang depenisyon ng red-tagging.
Aniya, kahit wala kasing batas sa kung ano ang red-tagging may mga nare-red tag at minamanmanan na.
Pero tugon ni Gonzaga, kahit pa bigyang kahulugan ng SC ang red-tagging ay hindi sila makakapag-penalize o magpataw ng parusa.
Dahil aniya sa walang judicial legislation ang Korte Suprema, dapat ay mismong Kongreso ang gumawa ng lehislasyon o batas para maituring na krimen ang red-tagging. | ulat ni Kathleen Forbes