Kumpiyansa ng mga konsyumer, tumaas ayon sa pinakahuling survey ng BSP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumaas ang kumpiyansa ng mga mamimili para sa ikatlo at ika-apat na quarter ng 2023 batay sa pinakahuling Consumer Expectations Survey (CES) na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ipinakita ng BSP survey na bahagyang nag-improve ang sentimyento ng mga konsyumer nitong nagdaang quarter na sumasalamin umano sa mas maraming available na trabaho at mga permanenteng posisyon, mas mataas na sahod, remittances, at karagdagang miyembro ng pamilya na may trabaho.

Ayon sa survey, nabawasan din ang pag-aalangan ng mga konsyumer sa pagbili ng mga big-ticket item para sa Q3 ngayong taon habang tumaas naman ang porsyento ng household loans at savings sa kaparehas na panahon.

Gayunpaman, ikinababahala pa rin ng mga konsyumer ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa kabilang ang sitwasyong pinansyal ng kanilang mga pamilya.

Dagdag pa riyan, inaasahan din ng mga konsyumer, ayon sa survey, ang mas mataas na inflation at interest rate kasama pa riyan ang pagtaas ng unemployment rates, at mas mahinang piso para sa third quarter ng 2023. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us