LAB for ALL program ni First Lady Liza Araneta – Marcos, sabay-sabay na aarangkada sa lahat ng lokalidad sa Metro Manila ngayong ika-66 na kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sabay-sabay na aarangkada ngayong araw ang LAB for ALL caravans sa 17 bayan at lungsod na bumubuo sa National Capital Region (NCR).

Ito’y kaalinsabay ng pagdiriwang sa ika-66 Kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw na ito.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Atty. Don Artes, ang paglulunsad ng LAB for ALL caravan ay bilang pagpapakita ng suporta ng 17 Alkalde ng NCR sa mga programa at adhikain ng Administrasyon

Ang LAB for ALL program ay inisyatiba ni First Lady Louise “Liza” Araneta – Marcos na layong magbigay ng libreng serbisyong medikal at gamot para sa mga Pilipino.

Kabilang sa mga laboratory services na alok ng LAB for ALL ay ang libreng x-ray, konsultasyon sa mga espesyalista at gamot.

Maliban sa serbisyong medikal, may inihanda rin ang iba’t ibang Lokalidad na iba pang mga serbisyo na maaari nilang i-alok sa kani-kanilang nasasakupan.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us