Labi ni dating MMDA Chair, Alkalde, at Kongresista Bayani Fernando, nakatakdang ilibing ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang ilibing ngayong araw ang dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman, Alkalde at Kongresista na si Bayani Fernando.

Mamayang Alas-7 ng umaga, magdaraos ng isang misa para sa yumaong dating opisyal ng pamahalaan sa Queen of Angels Chapel sa Riverbanks, Marikina City.

Matapos nito, dadalhin naman ang labi ni BF sa Loyola Memorial Park kung saan doon siya ihahatid sa huling hantungan.

Dahil dito, isasara sa trapiko mula alas-6 ng umaga ang River Bank Mall, Sumulong Highway patungong Bonifacio Avenue.

Pinapayuhan ang mga motorista na magmumula ng Masinag sa Antipolo patungong Katipunan na dumaan sa Marcos Highway.

Para naman sa mga magmumula sa San Mateo at Rodriguez na kumanan sa Farmers 1 sa Tumana gayundin sa LGV patungong Balara Pansol.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us