Inihahanda na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Daang Maharlika sa Bicol Region para sa kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia sa Naga City.
Sa selebrasyong ito, inaasahan na ang pagdagsa ng mga bisitang lokal at dayuhan.
Inatasan na ni DPWH Bicol Regional Director Virgilio Eduarte ang District Engineers (DEs) sa mga lalawigan na mag-set up na ng Motorist Assistance Centers (MACs) sa national road sa ilalim ng “Lakbay-Alalay”.
Labing dalawang (12) Motorist Assistance Centers ang ise-set up sa strategic locations sa kahabaan ng national road.
Tatlo sa Albay, dalawa sa Camarines Norte, lima sa Camarines Sur, at dalawa sa Sorsogon.
Ayon sa DPWH, ang buong section ng Daang Maharlika ay mahigpit na imomonitor ng roving teams mula sa Maintenance Division ng DPWH Regional Office.
May ginawa nang pakikipag-ugnayan ang DPWH sa Land Transportation Office, Philippine National Police at concerned Local Government Units.
Ang kapistahan ngayong Setyembre 16 ay ika-313 taon ng debosyon ng Our Lady of Peñafrancia, at ito ay tinawag na pinakamalaking Marian event sa Asya. | ulat ni Rey Ferrer