Lalawigan ng Sulu, idineklara ng Task Force na ‘Abu Sayyaf free’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ang lalawigan ng Sulu, nang minsa’y kilalang pugad ng Abu Sayyaf Group (ASG), ay deklarado nang “Abu Sayyaf-free.”

Ang deklarasyon ay ginawa sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Provincial Task Force in Ending Local Armed Conflict (PTF-ELAC) ng Sulu sa panahon ng 3rd quarter Provincial Peace and Order Council o PPOC meeting sa Sulu Area Coordinating Center sa Barangay Bangkal sa bayan ng Patikul noong Setyembre 6.

Ang PPOC meeting ay dinaluhan ng 19 na mga alkalde ng Sulu, PNP provincial commander, mga brigade at battalion commander ng militar, at mga staff ng Joint Task Force Sulu.

Sa naturang pagtitipon, inihayag mismo ni Sulu Governor Abdusakur Tan, chairperson ng PTF-ELAC, ang deklarasyon matapos walang tutol na inaprobahan ng task force ang nasabing resolusyon.

Ang PTF-ELAC ay ang Sulu version ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Tan, ang napakadakilang kaganapan ay isang makabukuhang tagumpay bunsod ng kanilang walang katapusang pagnanais na makakamit ang katatagan, seguridad, at kapayapaan ng lalawigan.

Bago ang deklarasyon, ang 19 na mga munisipyo ng Sulu ay nagdeklara na rin silang ASG-free.

Sinabi naman ni Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, kumander ng JTF-Sulu, bago ang naturang deklarasyon, nalinis na nila ang 52 mga barangay na naging pugad ng mga Abu Sayyaf – na inuugnay sa boluntaryong pagsuko ng 966 na mga bandido at ang pagbawi ng 559 na mga armas. | ulat ni Celestino Escuadro  | RP1 Cagayan de Oro

Ang lalawigan ng Sulu, nang minsa’y kilalang pugad ng Abu Sayyaf Group (ASG), ay deklarado nang “Abu Sayyaf-free.”

Ang deklarasyon ay ginawa sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Provincial Task Force in Ending Local Armed Conflict (PTF-ELAC) ng Sulu sa panahon ng 3rd quarter Provincial Peace and Order Council o PPOC meeting sa Sulu Area Coordinating Center sa Barangay Bangkal sa bayan ng Patikul noong Setyembre 6.

Ang PPOC meeting ay dinaluhan ng 19 na mga alkalde ng Sulu, PNP provincial commander, mga brigade at battalion commander ng militar, at mga staff ng Joint Task Force Sulu.

Sa naturang pagtitipon, inihayag mismo ni Sulu Governor Abdusakur Tan, chairperson ng PTF-ELAC, ang deklarasyon matapos walang tutol na inaprobahan ng task force ang nasabing resolusyon.

Ang PTF-ELAC ay ang Sulu version ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Tan, ang napakadakilang kaganapan ay isang makabukuhang tagumpay bunsod ng kanilang walang katapusang pagnanais na makakamit ang katatagan, seguridad, at kapayapaan ng lalawigan.

Bago ang deklarasyon, ang 19 na mga munisipyo ng Sulu ay nagdeklara na rin silang ASG-free.

Sinabi naman ni Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, kumander ng JTF-Sulu, bago ang naturang deklarasyon, nalinis na nila ang 52 mga barangay na naging pugad ng mga Abu Sayyaf – na inuugnay sa boluntaryong pagsuko ng 966 na mga bandido at ang pagbawi ng 559 na mga armas. | ulat ni Celestino Escuadro  | RP1 Zamboanga

📸 Western Mindanao Command

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us