Lanao del Norte LGU, patuloy ang pagsubaybay sa presyo ng bigas sa buong probinsya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangungunahan ng Local Price Coordinating Council (LPCC) mula sa lokal na pamahalahan ng Lanao del Norte ang tuloy-tuloy na pagsubaybay sa presyo ng bigas sa buong lalawigan ng nasabing probinsya.

Ito’y pagsunod sa mandato ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi dapat lalagpas ng P 41.00 kada kilo ang lahat ng regular-milled rice sa buong bansa. Kasama rin ang lahat ng well-milled rice na siyang di tataas sa P45.00 kada kilo ngunit sa mga premium at special na bigas walang binigay na price caps.

Naka-angkla ang nasabing kautosan sa Presidential Executive Order No. 39, s. 2023 o “Imposition og mandated Price Ceiling of Rice.”

Ang council para sa monitoring ng presyo ng bigas sa buong probinsya ay binubuo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at kanilang mga tinalagang kinatawan. Isa na dito ang Department of Trade and Industry (DTI), National Food Authority (NFA), Department of Agriculture (DA), Provincial Agriculture Office (PAO) at Provincial Legal Office (PLO).

Samantala, sinisiguro ni Gov. Imelda “Angging” D. Quibranza-Dimaporo ang bawat bayang sakop ng Lanao del Norte ay mababantayan sa kanilang pagbibigay presyo ng sari-saring bigas lalo na ang regular at well-milled rice.| ulat ni Akwidad Basher| RP1 Iligan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us