LandBank, hinihintay pa ang clearance ng COMELEC sa exemption ng pamimigay ng fuel subsidy sa PUV drivers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihintay pa ng Land Bank of the Philippines (LandBank) ang desisyon ng Commission on Elections (COMELEC), na payagan silang ipagpatuloy ang distribusyon ng fuel subsidies sa operators ng pampasaherong sasakyan.

Ayon sa LandBank, gumagawa na ng hakbang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para payagan sila sa distribuyson ng fuel subsidy.

Matatandaang nagpatupad ang COMELEC ng election spending ban, na nakasaad sa pagsasagawa ng 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Noong September 8 ay inaprubahan ng Department of Budget and Management ang paglabas ng P3 bilyong pondo para sa nasabing programa, dahil sa lingguhang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us