Legazpi City, pilot LGU para sa isinasagawang Multi-Hazard Impact Based Forecasting Early Warning System sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing na isang karangalan para sa lungsod ng Legazpi na mapabilang sa 4 na LGUs na magpipiloto ng Multi Hazard Impact Based Forecasting Early Warning System (MH-IBF-EWS) na proyekto na pinangungunahan ng DOST-PAGASA sa pakikipagtulungan ng OCD, DILG, DENR, World Food Program at ng pilot LGUs.

Ayon kay Legazpi City Disaster Risk Reduction and Management Office head Engr. Miladee Azur, masaya ang lokal na pamunuan ng Legazpi na mapili at mapabilang sa proyektong ito. Batid nya na malaki ang kaakibat na tungkulin at responsibilidad at ito ay maliban pa sa kanilang takdang mga gawain at mandato. Subalit ani Engr. Azur, ito ay magandang oportunidad din para matuto at madagdagan ang kaalaman sa pagpapabuti ng sistema at mga proseso para sa Disaster Risk Reduction at Climate Change Adaptation.

Layunin ng proyekto na makabuo ng bagong sistema ng early warning system at forecasting base sa epekto o impact ng mga weather-related hazards na syang papalit sa kasalukuyang ginagamit na threshold-based forecasting at early warning system. Ang Legazpi ay itinakda para maging sentro ng pag aaral sa aspeto ng pagbaha at malakas na bugso ng hangin.

Mahigit sa 140 na katao ang dumalo sa unang araw ng kick off ng proyekto nitong Setyembre na binubuo ng mga stakeholders mula sa ibat ibang sektor at ahensya mula nasyonal. rehiyon, probinsya at ng mga CSOs. Ang proyekto na pinondohan ng Green Climate Fund ay nakatakdang isagawa sa loob ng 5 taon at umaasa si Engr Azur na ang resultang serbisyo at produkto ng pag-aaral ay makakatulong sa ibang LGUs sa Pilipinas. | ulat ni Twinkle Neptuno | RP1 Albay

📷 CTO GIE Rosal

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us