Libreng “Kasalan ng Bayan”, isasagawa ng Iligan City LGU bilang parte sa pagdiriwang ng Diyandi Festival

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangungunahan ng Office of City Civil Registrar ang pagsasagawa sa programang libreng kasalan o “Kasal ng Bayan” para sa mga residente ng Iligan City na hindi pa nakakasal.

Ito’y parte sa magarbong pagdiriwang ng Diyandi Festival 2023 kung saan binigyan ng pondo mula sa lokal na pamahalahan ang nasabing aktibidad.

Ang venue at seremonya ay inako ng LGU Iligan kalakip ang pagbibigay ng libreng lechon belly at bigas para sa mga ikakasal.

Isasagawa ang Kasalang Bayan sa ika-25 buwan ng Setyembre, 2023.

Nanawagan naman ang City Civil Registrar, Atty. Yussif Do Justin F. Martil sa mga Iliganon na hindi pa nakakasal ng mag-sumite ng aplikasyon para masali sa libreng kasalan ng bayan sa nasabing lungsod.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng libreng serbisyo at sertipikasyon ang mga nagsasama na wala pang legal na dokumento bilang mag-asawa. Ito’y makakatulong sa kanilang pagsasalegal ng kanilang pagsasama at gawin lehitimo ang kanilang mga anak.

Para sa mga gustong masali sa “Kasal ng Bayan” mula sa LGU Iligan, mag-sumite lamang ng original birth certificate ng mga ikakasal, barangay Certificate, valid ID at minimal fee para sa CENOMAR. | ulat ni Alwidad Basher | RP1 Iligan

Photo: Asenso News Iligan City

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us