Liderato ng Kamara, handang pakinggan at hanapan ng solusyon ang mga retailer na apektado ng price cap sa bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makikipagdayalogo rin ang Kamara sa mga rice retailer na may alinlangan sa ipinatutupad na price ceiling sa bigas.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, hindi naman manhid ang gobyerno kaya’t makikipag-usap sila para hanapan ng solusyon ang kanilang pangamba na sila ay malulugi dahil sa price cap.

“I-address natin yung sinasabi nilang mataas na ang kuha nila sa traders. Pero syempre priority natin ang sambayanan na hirap na makabili ng bigas,” ani Romualdez.

Punto ng mambabatas, hindi naman maaaring hindi sila sumunod sa atas ng gobyerno dahil maaari silang patawan ng kaso kung hindi tatalima.

“Hindi naman kasi pwede na di sila sumunod sa utos ng palasyo kasi bukod sa penalty, the government can file criminal cases sa mga hindi susunod sa price ceiling na ito. But definitely, the government will help our retailers affected by this EO,” dagdag ng House Speaker.

Isa sa maaari aniyang tulong ay pagbibigay ng ayuda sa mga retailer na maaapektuhan ng mas mababang bentahan ng bigas.

Salig sa Executive Order 39 nilagyan ng price cap ng ₱41 ang regular milled rice at ₱45 naman para sa well milled rice.

Ngunit ayon sa mga retailers, nakukuha nila ang kanilang bigas sa halagang ₱50 kada kilo mula sa mga traders. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us