Lima, iniulat na nasaktan sa magnitude 6.3 na lindol sa Cagayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Office of Civil Defense (OCD) na 5 ang nasaktan sa 6.3 magnitude na lindol na tumama sa Dalupiri Island, Calayan, Cagayan kagabi.

Ayon kay Diego A. Mariano, Head ng Disaster Communications Unit, ang lima ay iniulat na nabagsakan ng gumuhong pader, kung saan minor injuries lang ang tinamo ng tatlo, habang brain trauma at concussion ang tinamo ng dalawa.

Sa huling ulat ng OCD ngayong umaga, walang iniulat na nasawi at walang naitalang major damage sa imprastraktura ang lindol.

Kasalukuyang nagsasagawa ng monitoring at assessment sa sitwasyon ang OCD Region 2, kasama ang Cagayan at Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC).

Tiniyak ng NDRRMC na naka-preposisyon ang mga relief supply kung sakaling kakailanganin, bagama’t sa ngayon ay wala pang pinagsisilbihan sa mga evacuation center. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us