Ipinahayag ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Lingayen sa pangunguna ni Mayor Leopoldo Bataoil ang kanilang buong suporta sa Regional Development Plan (RDP) para sa taong 2023 hanggang 2028 ng National Economic and Development Authority (NEDA) Regional Office I.
Tiniyak din ng LGU Lingayen na sila ay kaisa rin ng nabanggit na tanggapan sa pagnanais nitong mailapit sa mga tao ang mga development sa pamamagitan ng SINNARANAY.
Ang sinnaranay ay isang salitang Ilokano na ang kahulugan ay Bayanihan at ang ambag ng NEDA RO I sa tinatawag na “National Development.”
Mithiin ng Regional Development Plan (RDP) 2023-2028 na magkaroon ng Resilient, All-Inclusive, Competitive and Healthy (REACH) Region 1 at ito ay naka-angkla sa AmBisyon Natin 2040, Sustainable Development Goals at President’s Agenda.
Ang pagpapahayag ng suporta ng LGU Lingayen ay kasunod ng Western Pangasinan Leg ng Regional Development Conference ng NEDA Regional Office I. | via Ruel de Guzman | RP1 Dagupan
Lingayen Information Office