Livestock programs sa Lanao del Sur, mas pinapalawak kasama ang National Dairy Authority

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na isinusulong ng lalawigan ng Lanao del Sur sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (PVO) ang pagpapalawak ng livestock programs nito sa pakikipagtulongan sa National Dairy Authority (NDA).

Kamakailan lamang ay tinanggap ng PVO ang supply ng Liquid Nitrogen Tank na puno ng de-kalidad na Cattle Semen mula sa NDA sa pangunguna ni Dr. Rayan Ysulat.

Ito ay bahagi ng kanilang suporta sa pagpapalakas ng Livestock Program sa lalawigan sa pamamagitan ng artificial insemination.

Ayon kay Dr. Al-Hussein Domaot, may mahalagang papel ito sa pagpapahusay ng kalidad at produktibidad ng mga alagang hayop at inaasahang magbibigay-daan para sa isang mas maunlad at napapanatiling sektor ng agrikultura sa Lanao del Sur maging sa buong rehiyon ng Bangsamoro.

Samantala, kamakailan lamang ay bumisita rin NDA at naghatid ng sampung baka sa HIFAMCO Dairy Farm sa Bayan ng Kapai, Lanao del Sur.  | ulat ni Johaniah Yusoph | RP1 Marawi

📷PLGU Lanao del Sur

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us