Lokal na pamahalaan ng Las Piñas nagsagawa ng ika-57 Council Session para sa mga isasagawang proyekto sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas ng ika-57 council session para pag-usapan ang mga isasagawang proyekto sa kanilang lungsod.

Sa naging sesyon ng konseho ng Las Piñas, isa sa pinag-usapan ay ang mga proyekto ng mga road conversion at pagsasapinal ng pag-waive ng tax penalties mula sa kanilang stakeholders mapa-business at real property taxes.

Kabilang din sa mga nais ipasang ordinansa ay ang mga supplemental projects ng mga barangay programs na nakalinya sa mga basic services ng bawat barangay sa Las Piñas.

Samantala, muli namang siniguro ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar sa mga residente sa lungsod na ginagawa ng kanilang konseho ang mga programa na magsasaayos sa bawat mamamayan ng Las Pinas. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us