Lokal na pamahalaan ng San Juan, sasagutin ang renta ng rice retailers ngayong buwan sa Agora Public Market

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang sagutin ng lokal na pamahalaan ng San Juan ang renta ng rice retailers sa Agora Public Market ngayong buwan.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nakausap na niya ang may-ari ng naturang public market upang sasagutin muna nito ang renta ng rice retailers dahil malaking kabawasan ito sa kanilang mga gastusin.

Ito’y bilang pagkilala sa pagsunod ng mga ito sa itinakdang rice celling sa presyo ng bigas.

Samantala, bukod sa financial assistance ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay daragdagan pa nito ng P5,000 ang ayuda mula naman sa San Juan City.

Nagpapasalamat naman si Mayor Zamora sa national government sa pagpili sa kanilang lungsod na isa sa unang mabibiyayaan ng financial assistance sa rice retailers. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us