LTFRB, nagpasalamat sa COMELEC sa exemption ng fuel subsidy sa spending ban

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na aprubahan ang kanilang petisyon upang hindi maaapektuhan ng election ban ang pamimigay ng fuel subsidy sa mga PUV driver at operator.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III na nagpapasalamat ito sa agarang aksyon ng COMELEC sa petisyon at pati na rin sa pang-unawa ng publiko lalo na ng mga operator at tsuper na naapektuhan ng pansamantalang delay sa pamamahagi ng fuel subsidy.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Chair Guadiz na tuloy-tuloy na ang pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga operator.

Sa pinakahuling datos ng LTFRB, nai-credit na ang naturang subsidiya sa 63,864 PUVs sa buong bansa.

Karamihan sa mga naunang nabigyan nito ang mga operator ng mga  Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) habang nakatanggap na rin ang mga operator ng mga Modern Public Utility Jeepney (MPUJ), Public Utility Bus (PUB), Mini-bus (MB), Tourist Transport Services (TTS), School Transport Services (STS), Filcab, at iba pang mga pampublikong sasakyan.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us