LTO, naglabas ng Show Cause Order laban sa registered owner ng viral road rage video sa Cavite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-isyu na ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa rehistradong may-ari ng sasakyan na ang driver nito ay nasangkot sa panibagong road rage sa Imus, Cavite.

Isang babae ang lumalabas na rehistradong may-ari ng puting Honda CRV na may plakang REN123.

Binigyan lamang ng limang araw ng LTO ang may-ari ng sasakyan para sagutin ang SCO .

Ang nasabing insidente ay paglabag sa Reckless Driving sa ilalim ng Section 48, Article V ng Republic Act 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code.

Naging viral sa social media ang road rage kung saan sinabi ng videographer na tila nasa impluwensya ng alak ang driver.

Sa video, ang Honda CRV ay nakitang umiikot sa isang kalsada sa nasabing lugar upang harangan ang sasakyan.

Nakita sa video na pinahinto ng driver ng Honda CRV ang sasakyan at narinig ang pagmumura sa mga sakay ng isa pang sasakyan.

Napag-alamang hindi ang driver ng Honda CRV ang may-ari dahil nakarehistro ang sasakyan sa isang babaeng taga-Rizal.

Bahagi ng imbestigasyon ay kilalanin ang driver at malaman kung may valid itong driver’s license.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us