LTO, pag-aaralan ang mungkahing pagtatatak sa Official Receipt/Cert. of Registration ng mga may-ari ng sasakyan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pag-aaralan ng Land Transportation Office ang mungkahing pagtatatak sa Official Receipt/Certificate of Registration ng mga may-ari ng sasakyan upang matukoy kung pinalawig pa ang validity ng kanilang lisensya.

Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, inihahanda na nila ang mga hakbang sa sandaling hindi bawiin ng korte ang naunang kautusan nito na pumipigil sa pamamahagi ng mga plastic license card.

Iminungkahi ni Agri party-list Representative Wilbert Lee ang pagtatatak sa OR/CR sa paniniwalang magiging bawas gastusin ito sa panig ng LTO.

Naniniwala naman si Mendoza na mawawala na rin ang inilabas na TRO sa pagpapalabas ng mga plastic driver’s license card at matutugunan na rin nito ang mga backlog na pangunahing prayoridad ng ahensya.

Matatandaang ipinahinto pansamantala ng Quezon City Regional Trial Court Branch 215 sa LTO ang pamamahagi ng mga lisensya mula sa nanalong bidder na Banner Plasticard Inc.

Inaasahang matatapos ang TRO sa loob ng 20 araw o hanggang Miyerkules, Setyembre 6. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us