Sa layung maging fully operational na ang Central Mindanao Airport (CMA) sa bayan ng M’lang , Cotabato Province, ipinamahagi kamakalawa ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa tatlong nagmamay-ari ng lupa ang tseke na nagkahalaga ng P1,004,540.
Ang naturang tseke ay bayad para sa 11,698 square meters na lupa na pagmamay-ari ng mga Sorongon sa Barangay Langkong, M’lang, Cotabato na magsisilbing access road ng paliparan na kasama sa mga improvement na gustong ipatutupad ng Department of Transportation (DOTr).
Naging katuwang ni Cotabato Governor Emmylou Taliño- Mendoza si 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos sa pakipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan hsnggang nabigyan ng katuparan ang matagal nang pangarap ng bawat Cotabateño na magkaroon ng airport sa lalawigan na makakatulomg sa turismo.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao