Mabigat na trapiko sa Katipunan Ave., nais tugunan ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maagang nag-inspeksyon ang mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority ( MMDA) sa tapat ng Ateneo de Manila University sa Katipunan Avenue sa Quezon City ngayong araw.

Pinangunahan nina MMDA General Manager Procopio Lipana, Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas, Traffic Discipline Office Director for Enforcement Atty. Vic Nuñez, at Quezon City Traffic and Transport Management Department (TTMD) OIC Dexter Cardenas ang pag-iinspeksyon sa traffic situation sa major thoroughfare para makapaglatag ng posibleng mas maayos na solusyon para mapagaan ang trapiko sa lugar.

Kadalasan kasing mabigat ang trapiko sa naturang kalsada lalo na tuwing rush hour.

Ayon sa MMDA, kasama sa nagpapasikip ng trapiko rito ang mga sasakyang labas masok sa dalawang unibersidad na nasa hilera ng Katipunan Avenue.

Sa datos ng MMDA, umaabot sa higit 9,000 ang volume ng mga sasakyan dito sa Katipunan Avenue, tuwing morning rush hour o sa pagitan ng 7am-8am habang lagpas sa 10,000 pa tuwing 5pm-6pm.

Sinabi naman ni MMDA GM Lipana na ilang solusyon na ang pinagaaralan nilang ilatag sa lugar kabilang ang paglalagay ng separator sa lane ng mga sasakyang papasok sa Ateneo de Manila University para hindi maapektuhan ang ibang mga sasakyang pa-southbound.

Dagdag pa nito, nakipagpulong na rin sila sa pamunuan ng dalawang unibersidad na bukas namang makipagtulungan para sa traffic management sa Katipunan Avenue. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us