Magnitude 6.6 na lindol tumama sa Balut Island, Davao Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang bahagi ng Balut Island sa Saranggani, Davao Occidental ngayong umaga lang.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (Phivolcs), bandang 9:39 am naganap ang pagyanig.

Naitala ang sentro nito sa layong 434 km timog silangan ng Balut Island.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 122 kilometro sa lupa.

Inaasahan naman ang mga aftershock kasunod ng pagyanig.

Sa kabila nito, wala namang tsunami alert na inilabas ang Phivolcs. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us