Mahigit 100 magsasaka na apektado ng ASF sa Iloilo, ipapailalim ng Sentineling Program ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit 100 magsasaka na apektado ng African Swine Fever (ASF) mula sa tatlong munisipalidad sa probinsya ng Iloilo ang unang maka-avail ng sentineling program ng Department of Agriculture (DA).

Tatlo pa lang sa 27 munisipalidad sa probinsya na apektado ng ASF ang halos nakakumpleto ng ‘requirements’ para sa programa.

Ang tatlong munisipalidad ay ang Santa Barbara na may apat na magsasaka ang nakasumiti ng mga dokumento, Ajuy 43 at New Lucena may 100.

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Darel Tabuada pinoproseso nila ang mga dokumento partikular ang ordinansa ng munisipyo, pagsasanay sa biosecurity at iba pa.

Sa ilalim ng sentineling program, tatlong biik ang ibibigay sa magsasaka at ‘feeds’ para sa dalawang buwan na pagkain ng baboy mula sa DA.

Sinabi ni Tabuada na sila ang nagva-validate ng mga kailangan na dokumento at ineendorso nila ito sa DA at mahigpit ang kanilang pagsubaybay sa livestock division sa pag-update ng mga kailangan.| ulat ni Elena Pabiona| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us