10,816 candidates ang inaasahang dadalo sa 2023 bar exams na magsisimula ngayong Setyembre 17.
Ayon sa Korte Suprema, kabilang dito ang 5,832 na first time takers habang may 4,984 na at least ay second timers.
Dahil dito ay nagtalaga ang kataas-taasang hukuman ng 2,571 bar personnel na ipinakalat sa buong kapuluan kabilang na ang 14 na local testing centers o LTCs.
Ito ay para masigurado ang maayos na 2023 bar examinations.
Kabilang sa mga bar personnel ay ang Court officials; Judges; iba’t ibang tauhan mula sa Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at First- and Second Level Courts; gayundin ang abugado sa gobyerno at private practice.
Ang 14 naman na LTCs ay ang mga sumusunod:
1) San Beda University – Manila
2) University of Santo Tomas
3) San Beda College Alabang
4) University of the Philippines – Diliman
5) Manila Adventist College
6) and University of the Philippines – Bonifacio Global City (National Capital Region)
7) Saint Louis University
8) Cagayan State University
9) University of Nueva Caceres (Luzon)
10) University of San Jose – Recoletos
11) University of San Carlos
12) Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation (Visayas)
13) Ateneo de Davao University
14) Xavier University (Mindanao).
| ulat ni Lorenz Tanjoco