Kabuoang 23 pamilya mula sa Dagupan City ang tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Regional Office I.
Pinagkalooban ang mga benepisyaryo ng P10,000 financial assistance upang muling maipatayo ang kanilang nasirang kabahayan matapos maapektuhan sa nakalipas na Bagyong Egay.
Ang nasabing mga benepisyaryo ay kabilang sa mga natukoy na totally damage ang kanilang kabahayan.
Pinangunahan ni DHSUD Regional Director Atty. Richard Vinancio Fernando Ziga ang pamamahagi ng tulong na suporta sa programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH).
Layon ng programa na makapagpatayo ng isang milyong bahay bawat taon, katumbas ng anim na milyong kabahayan sa loob ng anim na taon.Â
Nagpasalamat naman ang lokal na Pamahalaan sa pamunuan ng DHSUD Regional Office dahil nakabilang sa mga benepisyaryo ng programa ang mga residente sa lungsod. | via Sarah Cayabyab | RP1 Dagupan
📷 LGU Dagupan