Mahigit 2,000 mag-aaral ng Child Development Centers (CDC) sa Dagupan City ang makikinabang sa panibagong 120-day Supplementary Feeding Program na inilunsad muli ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay dagdag suporta sa kasalukuyang feeding at nutritional programs ng Lokal na Pamahalaan ng Dagupan sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez.
Ngayong araw, tinanggap ng lungsod sa pangangasiwa ni acting mayor Brian Kua kasama ng City Social Welfare and Development (CSWD) at Child Development Workers (CDWs) ang unang batch ng mga food items na bahagi ng 13th cycle ng SFP para sa 46 day care center sa lungsod.
Kinabibilangan ito ng iba’t ibang perishable at non-perishable fortified goods tulad ng pasta, whole grain cereal, oatmeal, gatas, prutas, beans, bigas, karne at iba pang sangkap sa pagluluto.
Layunin ng programa na mapataas ang timbang ng mga day care pupils sa lungsod kapag natapos ang nasabing programa. | ulat Sarah Cayabyab| RP1 Dagupan