Kabuuang 438 na Persons with Disabilities (PWD) ang panibagong nabigyan ng tulong pinansyal ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang nasabing mga benepisyaryo ay galing sa 75 mula sa kabuuang 77 barangay ng bayan ng Bayambang sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang mga ito ang pinakabagong recipient ng DOLE mula sa kanilang Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Displaced Workers o TUPAD Program.
Isinagawa ang payout na pinangunahan ng DOLE sa Pavilion I ng St. Vincent Prayer Park sa barangay Bani.
Ang nasabing PWD beneficiaries ay tumanggap ng tig-P4,000 mula sa 10 araw nilang paglilinis sa kanilang kinabibilangang barangay. | ulat ni Sarah Cayabyab | RP Dagupan
📷: LGU Bayambang