Mahigit 400 rice retailers na apektado ng implementasyon ng rice price cap sa Rehiyon Dos, napagkalooban na ng tulong –DSWD 2

Facebook
Twitter
LinkedIn

Halos 70% na ang napagkalooban ng tulong sa mga rice retailer sa rehiyon dos na apektado ng pagpapatupad sa Executive Order 39 o ang pagtatakda ng mas mababang presyo ng bigas sa bansa.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 Director Lucia Alan, nasa 402 na mula sa 595 na maliliit na rice retailers sa rehiyon na natukoy ng Department of Trade and Industry ang nakatanggap ng ayuda.

Mapagkakalooban ng P15,000 tulong ang mga benepisyaryo sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program – Emergency Relief Subsidy ng ahensiya.

Sa ngayon ay mahigit anim na milyong piso na ang kanilang naipapamahagi rito sa lungsod ng Tuguegarao; sa City of Ilagan, sa Isabela; Bayombong, Nueva Vizcaya; Basco, Batanes; at Cabarroguis, sa Quirino.

Nabigyan naman ang ahensiya ng hanggang Setyembre 22 o sa araw ng Biyernes para matapos ang pamamahagi ng relief subsidy.

Huwebes nitong nakaraang linggo nang sinimulan ang distribusyon ng naturang ayuda para sa mga sumusunod sa pagpapatupad ng atas ng pangulo na gawing P41 ang regular-milled rice habang P45 naman ang well-milled rice. | ulat ni April Racho | RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us