Mahigit P3-M halaga ng makinarya para sa pagsasaka mula sa DA naibahagi sa isang asosayon sa Urbiztondo, Pangasinan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natanggap na ng grupo ng mga magsasaka at mangingisda sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan ang mga makinarya para sa pagsasakang nagkakahalaga ng mahigit tatlong milyong piso na kaloob sa kanila ng Department of Agriculture (DA).

Sa pamamagitan ng isang simpleng turn-over ceremony na pinangunahan ng mga lokal na opisyal ng nabanggit na bayan, pormal nang naipasakamay sa Barangay Bayaoas Farmers and Fisheries Association Inc. ang isang four-wheel drive tractor at tatlong pump and engine set.

Ang mga makinaryang ito, na nagkakahalaga ng P3.637M, ay nagmula sa Corn Program ng Department of Agriculture Region I at bahagi lamang ng iba’t-ibang “farm interventions” na nakatakdang ibigay ng nasabing tanggapan sa mga magsasaka ng bayan ng Urbiztondo.

Muli namang nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa Department of Agriculture si Urbiztondo Mayor Modesto Operania dahil sa patuloy nilang pagbibigay ng iba’t-ibang uri ng tulong para sa kanilang mga magsasaka.

Inaasahan naman na makakatulong ang mga “farm machineries” na tinanggap ng asosasyon upang mapagbuti pa ang kanilang pagsasaka at tumaas ang kanilang kita. | ulat ni Ruel de Guzman | RP1 Dagupan

📷 Pasimbalo Urbiztondo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us