Majority solons, muling iginiit na walang iligal sa paggamit ng OVP sa P125-M contingent fund bilang confidential fund

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging mainit agad ang pag-uumpisa ng plenary deliberation ng 2024 General Appropriations Bill.

Ito’y matapos makwestiyon ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang paggamit sa confidential at intelligence fund— partikular dito ang P125 million ng Office of the Vice President (OVP) na wala sa line-item ng 2022 National Budget.

Giit ni Appropriations Senior Vice-Chair Stella Quimbo na sponsor ng panukala, mayroong Congressional approval ang contingent fund na itinuturing ding special purpose fund kung saan nanggaling ang P125 million na confidential fund.

Paliwanag nito, pinahihintulutan ang paggamit sa contingent fund para sa mga proyekto, aktibidad at programa na “urgent” at bago.

Maliwanag aniya sa naging desisyon ng Korte Suprema sa Belgica vs Ochoa case, na valid na line item appropriation ang contingent fund at maaaring hilingin ng ahensya sa Department of Budget and Management (DBM), na aaprubahan naman ng Pangulo.

Tinukoy ni Quimbo, na sa 2022 General Appropriations Act may line item ang OVP partikular ang good governance at social services projects, habang nakapaloob naman ang confidential expenses sa object of expenditure.

Nagpaliwanag din si House Deputy Speaker Isidro Ungab, na dating naging chair ng Appropriations Committee, na dumaan sa tamang proseso ang P125 million na pondong ibinigay sa OVP.

Hindi rin aniya ito augmentation o nagmula sa savings kung hindi isang ‘new appropriation’. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us