Makasaysayang larawan ng Lanao noong American Colonial Administration, ibinida sa Hisory Month ng MSU-IIT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinida ng Mindanao State University – Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) ang mga makasaysayang larawan ng dating nagkakaisang Lanao del Norte, Lanao del Sur, at Maguindanao noong panahon ng American Colonial Administration sa taong 1900 hanggang 1940 sa pamamagitan ng photo exhibit.

Layunin nitong isiwalat ang hindi bantog na kasaysayan ng dating nagkakaisang Lanao upang mas lalong mapahalagahan ng mga tao ang iba’t ibang kultura at kasaysayan nito.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Iligan sa 4th year student na si Petejon V. Benson ng kursong History, sinabi niya na itinampok sa photo exhibit ang iba’t-ibang kuwento ng mga sinaunang tao sa Lanao pati na rin ang paglalakbay ng mga Amerikano.

Kaugnay ito sa paggunita ng taunang History Month ng MSU-IIT na pinangungunahan ng Department of History katuwang ang Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage – Lanao del Sur Office, Mindanao Heritage and Indigenous Research Center, at ang MSU-IIT Historical Society. | ulat ni Sharif Timhar | RP1 Iligan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us