Nagkaroon ng pagpupulong si Makati City Mayor Abby Binay sa Health officials ng Department of Health (DOH) para sa maayos na transition ng healthcare facilities sa Taguig City.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, layon ng kanilang pakikipagpulong na matiyak ng kanilang lokal na pamahalaan ang maayos na transition ng mga healthcare facilities sa 10 EMBO barangays patungong Taguig.
Isa pa sa napag-usapan sa naturang pagpupulong ay kung maari pa ring maka-avail ang 10 EMBO barangays sa kanilang healthcare services bagay na pag-aaralan pa dahil nakapaloob na ang Ospital ng Makati sa Taguig City. | ulat ni AJ Ignacio