Malaking oportunidad ang naghihintay sa Singaporean businessmen, sakaling ikonsidera nila ang pamumuhunan sa Pilipinas.
Sa ginanap na rountable discussion kasama ang business leaders sa Singapore, hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ito na mamuhunan sa renewable energy, smart at innovative economy.
Gayundin sa infrastructure development sa ilalim ng Build, Better, More program ng pamahalaan.
Ibinida rin ng Pangulo ang policy changes sa Pilipinas, tulad ng pagpayag sa 100% equity sa exploration, development, at utilization ng solar, wind, hydro, ocean, or tidal energy resources.
“With this development, I encourage our Singapore partners to consider the Philippines and take part in the country’s goal of increasing renewable share in power generation and offering lower cost and cleaner energy to the general public,” —Pangulong Marcos Jr.
Ayon sa Pangulo, ang Pilipinas ay naghahanap ng oportunidad sa areas ng financial technology na layong makamtan ang goal nito na 50% digital retail transaction.
Gayundin ang pag-aakyat sa 70% ng Filipino adults na mayroon nang bank account sa pagtatapos ng 2023.
At ang pagsusulong ng inclusive, innovative, at healthy financial sector.
“Furthermore, the Philippines seeks opportunities in the areas of financial technology as it aims to achieve its goal of 50 percent digital retail transactions and 70 percent Filipino adults with bank accounts by the end of 2023 and to promote an inclusive, innovative, and healthy financial sector.” —PCO | ulat ni Racquel Bayan