Itinutulak ni Senador Robin Padilla na magkaroon ng malinaw na patakaran sa Halal certification sa pagkain at mas maigiting na awareness drive tungkol sa dietary principles ng mga muslim.
Isinusulong ito ng senador para aniya maiwasan na ang insidente ng paglabag sa paniniwala ng mga muslim.
Isa sa mga pinapanawagan ni Padilla ang paglinaw sa papel ng mga ahensyang nag-certify ng Halal at nanghuhuli ng pekeng Halal na produkto.
Sa ngayon aniya, ang Department of Trade and Industry (DTI) at National Commission on Muslim Filipinos ang nagbibigay ng certification at accreditation.
Pinunto ng senador na napakalaki ng industriya ng Halal na base sa International Market Analysis Research and Consulting Group nitong 2022 ay aabot sa higit sa $2.22 trilyon (P121.28 trilyon) at inaasahang lalaki pa ito sa P228.1 trilyon sa 2028.
Nais ng mambabatas na ihiwalay ang nagse-certify na ahensya at sa nanghuhuli ng mga pekeng Halal para epektibong maprotektahan ang mga muslim.| ulat ni Nimfa Asuncion