Mambabatas, kinalampag and DOE para sa pagtatatag ng Strategic Petroleum Reserve Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inudyukan ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang Department of Energy na aksyunan na ang pagtatatag ng strategic petroleum reserve program (SPRP) upang maibsan ang epekto ng global oil shock sa bansa.

Ayon kay Villafuerte, 2021 nang ilabas ng noo’y Energy Sec. Alfonso Cusi ang Department Circular 28 para itatag ang Philippine Crude Oil and/or Finished Petroleum Products and Biofuel Reserve ngunit hanggang ngayon ay wala pang pag-usad.

Aniya kung maitatayo ang SPRP magsisilbi itong “cushion” o paraan para ibsan ang magiging epekto ng taas presyo ng produktong petrolyo at bilihin lalo na sa low-income families.

Sa SPRP, magkakaroon ng fuel reserve ang bansa upang kahit magtaas ng presyo ng langis sa world market ay may suplay pa rin ng krudo ang bansa na hindi maiimpluwensyahan ng world market.

Ngayong linggo lang ay nagkaroon ng pulong ang Kamara at oil industry players kasama ang DOE para hanapan ng solusyon ang nasa ika-11 linggo na ng taas presyo ng produktong petrolyo.

“If the DOE on the watch of Secretary Popo (Lotilla) had only acted on this SPRP with a greater sense of urgency than the Department did during the previous government, the proposed fuel reserve meant to enhance the security of fuel supply would be up and running possibly before the year end or sometime next year. But it seems this SPRP is still moving at an apparent turtle’s pace.” ani Villafuerte. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us