Nagpalabas ng listahan ang Mandaluyong City Local Government Unit (LGU) ng mga tindahang nagbebenta ng murang bigas salig sa Executive Order 39 o ang pagtatakda ng rice ceiling sa bigas.
Layunin nitong mabigyang gabay ang mga Mandaleño kung saan sila makabibili ng ₱41 kada kilo ng regular milled at ₱45 kada kilo ng well-milled rice.
Sa Mandaluyong Public Market-1 na matatagpuan sa bahagi ng Gen. Kalentong Street, makabibili ng murang bigas sa Pacheco Rice Store gayunidn sa Eliza Fotuleza Rice Store.
Habang sa Mandaluyong Public Market-2 na matatagpuan sa panulukan ng mga kalye Fabella at Martinez, makabibili ng ₱41 at ₱45 na kada kilo ng bigas sa mga sumusunod na tindahan:
Delen Rice Store, Michelle Samsam Store, Bambi Samsam Store, Ramirez Store, Brigada Mesa Rice Retailing, JY Store, at Fema Sanchez Store.
Para sa mga karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa Business Permit ang Licensing Department sa mga numerong 8532-5001 local 510 o di kaya’y sa Public Information Office ng Lungsod. | ulat ni Jaymark Dagala