Mandaluyong LGU, naglabas ng listahan ng rice retailers na nagbebenta ng murang bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang public market sa Mandaluyong ang tuloy-tuloy na nagbebenta ng murang bigas na P41 at P45.

Sa inilabas na listahan ng Mandaluyong City government, kabilang sa mga rice stalls na nagbebenta ng itinakdang presyo ng bigas ay ang Pacheco Rice Store at Eliza Fotuleza Rice Store sa public market sa General Kalentong Street.

Sa isa pang pampublikong palengke sa Fabella Road corner Martinez St., nagbebenta rin ng murang bigas ang Delen Rice Store, Michelle Samsam Store, Ramirez Store, Brigada Mesa rice retailing, JY Store at Fema Sanchez Store.

Alinsunod sa Executive Order 39 na inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nagpapataw ito ng mandated price ceiling sa regular milled rice at well-milled rice na P41 at P45.

Para sa mga mamimili, maaari nilang puntahan ang mga rice stall para makabili ng murang bigas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us