Maraming bilang ng assistant secretaries ng Presidential Communications Office, dinipensahan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang linaw ni Appropriations Senior Vice-chair Stella Quimbo kung bakit may limang undersecretary at 12 assistant secretary ang Presidential Communications Office (PCO).

Sa interpelasyon ni Deputy Minority Leader France Castro ay napuna nito ang maraming bilang ng assistant secretaries ng ahensya gayong isinusulong ng gobyerno ang rightsizing sa pamahalaan.

Paliwanag ni Quimbo, bilang communications arm ng pamahalaan, ang naturang mga assistant secretary ay nakatuon sa iba’t ibang medium ng komunikasyon, kasama ang radio, TV, print, digital at social media contents.

Maliban din aniya sa pagiging disseminator ng mga pahayag ng Pangulo ay tumutulong din ang PCO sa pagpapalabas ng mga impormasyon ng iba pang ahensya ng ehekutibo.

“Tatandaan po natin madam speaker na ang PCO ang kanyang mandato … they are responsible for the crafting formulation developing enhancing and coordination of the messaging system of the entire executive branch as well as the Office of the President. Hindi lang naman po pangangailangan ng opisina ng ating Pangulo kundi yung buong executive branch po ang kanilang sinisilbihan.” saad ni Quimbo

Kaya naman aniya, sulit na sulit aniya ang ipinapasweldo sa 12 assistant secretaries.

Sabi pa ni Quimbo, na nag-streamline na ang PCO sa kanilang mga opisyal.

Tiyak din naman aniya, na oras na maisabatas ang rightsizing ay isa ang ahensya sa mga tatalima dito.

“At the same time po meron naman po tayong rightsizing bill na priority bill ng ating LEDAC so malamang ay definitely magbi-benefit ang PCO dito sa rightsizing initiative ng ating DBM….. Definitely kung kinakailangan talagang mag-rightsize ang PCO ay mangyayari din naman po talaga ito,” ani Quimbo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us