Marikina LGU, magkakaloob ng ayuda para sa mga rice retailer sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pangungunahan ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ngayong araw ang pamamahagi ng ayuda para sa mga rice retailer na tumalima sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kaugnay pa rin ito ng inilabas na Executive Order no. 39 na nagtatakda ng price ceiling sa bigas sa ₱41 at ₱45 kada kilo para sa regular at well-milled na bigas.

Mamayang alas-10 ng umaga isasagawa ng LGU ang pamamahagi ng ayuda sa Quadrangle ng Marikina City Hall.

Maliban sa tulong pinansyal, inaasahang iaanunsyo rin ni Mayor Teodoro ang iba pang mga tulong na ibibigay ng Lokal na Pamahalaan para sa mga nagtitinda ng murang bigas sa kanilang lugar

Magugunitang kahapon, pinangunahan ng mga Kongresistang sina Representative Stella at Miro Quimbo ang pamamahagi ng ₱15,000 ayuda para sa mga rice retailers buhat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI). | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us