Napasakamay na ng mga rice retailer sa Marikina City ang kanilang P15,000 ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI).
Pinangunahan nila Marikina Representative Stella at Miro Quimbo ang pamamahagi ng ayuda na isinagawa sa Civic Center sa Brgy. Concepcion Dos.
Kabuuang 300 rice retailers ang kasalukuyan nang tumatanggap ng ayuda, na umaasa sa nasabing ayuda lalo’t aminado ang mga ito na malaki na rin ang kanilang ikinalugi lalo’t nabili nila ang murang bigas sa mahal na presyo.
Anila, gagamitin ng mga ito ang nakuha nilang pera upang pampasuweldo sa kanilang mga tauhan gayundin ang pambayad sa renta sa palengke
Bukas naman, inaasahang mamamahagi ng ayuda ang pamahalaang lungsod sa mga rice retailer sa kanilang nasasakupan. | ulat ni Diane Lear