Tinalakay ng Philippine Navy (PN) at National Maritime Foundation (NMF) ng India ang pagpapalakas ng bilateral maritime cooperation ng dalawang bansa.
Ito’y sa pagbisita ni NMF Executive Director, Commodore Debish Lahiri kay Philippine Navy Vice Commander Rear Admiral Caesar Bernard Valencia sa Philippine Navy Headquarters nitong Lunes.
Pinag-usapan din ng dalawang opisyal ang napipintong pagdaraos ng unang Track 2 meeting ng Philippines-India Marine Dialogue sa Manila.
Nagpasalamat si RAdm. Valencia sa pagbisita ni Lahiri at malugod na tinanggap ang mga “future training activity” at iba pang kolaborasyon sa hinaharap na pakikinabangan ng dalawang bansa.
Ikinatuwa din ni RAdm. Valencia ang suporta ng mga kaibigang bansa at organisasyon sa pagpapalakas ng Philippine Navy. | ulat ni Leo Sarne
📸: S2JO Dexter Dandolit PN / NPAO