Nagsasanay ngayon ang Philippine Navy at Indonesian Navy sa Cebu at sa karagatan ng Negros Oriental bilang bahagi ng Maritime Training Activity (MTA) PHILINDO 2023.
Ang ikatlong taunang pagsasanay na tatagal hanggang Setyembre 30 ay para mapalakas ang interoperability, situational awareness at mutual cooperation ng dalawang pwersang pandagat.
Kalahok sa pagsasanay ang BRP Ramon Alcaraz (PS16) ng Philippine Navy, at dalawang patrol ships ng Indonesian Navy (IDN), ang KRI SAMPARI (628) at KRI HIU (634).
Ang naturang mga barko at kanilang crew ay sinalubong ni Capt. Raul A Regis, ang Deputy Commander ng Naval Forces Central (DCNFC) at Commander ng Naval Task Force 50 (CNTF50) sa pagdating nila sa Naval Base Rafael Ramos (NBRR), Brgy. Looc, Lapu-Lapu City, Cebu nitong Linggo.
Bilang bahagi ng Field Training activities, sabayang magsasanay ang mga barko at kanilang crew sa maritime security operations, surveillance, reconnaissance, maritime interdiction operations, gunnery training at air operations training. | ulat ni Leo Sarne
📷: NFC