Mas mabigat na parusa laban sa road rage, ipinapanukala sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni Deputy Majority leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang isang panukala para patawan ng mas mabigat na parusa ang road rage.

Kasunod na rin ito ng insidenteng kinasangkutan ng isang dating pulis at siklista sa Quezon City.

Dito kinasahan pa ng baril ng dating pulis ang siklista.

Hindi naman na naghain ng reklamo ng biktima dahil sa napaulat na aregluhan o dala na rin aniya ng takot sa kanyang buhay.

Bunsod nito, itinulak ni Tulfo at ilan pang mambabatas ang House Bill 8991 o Anti-Road Rage Act.

Dito, kahit pa umatras ang naagrabyado sa paghahain ng reklamo ay maaari pa ring sampahan ng kasong kriminal ang mga road rage drivers o suspect dahil mismong gobyerno na ang magsasampa ng kaso.

May pagkakataon kasi aniya na natatakot na ang mga biktima lalo na kung makapangyarihan o maimpluwensya ang naka-agrabyado sa kanila.

“We have to put an end on this culture of impunity wherein the powerful and the influentials go scot-free in this country… pag-ganito ng ganito lagi ang senaryo, paulit-paulit po ang mga road rage incidents sa ating bayan dahil iispin ng mga salot sa lipunan na mga ito… Idadaan na lamang lagi sa areglo at paghingi ng paumanhin sa kanilang mga naging biktima. No more!!! Enough is enough!!! The government should take over in filing cases against these menaces in our society even if their victims show no more interest in attaining justice,” diin ni Tulfo.

Papatawan ng 6 na buwan hanggang 1 taong pagkakakulong at/o multa na P50,000 hanggang P100,000 ang sangkot sa road rage incident; kung mauwi sa physical injury, kulong na 2 hanggang 4 na taon at /o multa na P100,000 hanggang P250,000 maliban pa sa damages ang ipapataw na parusa.

Kung masawi naman 6 hanggang 12 taon na kulong at/o multa na P250,000 hanggang P500,000 ang parusang kahaharapin.

Kung opisyal ng gobyerno ang masangkot sa road rage ay papatawan pa ito ng perpetual disqualification.

Babawiin din ang lisensya ng mga sankgkot sa road rage at hindi maaaring makapag-renew sa loob limang taon.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us