Mas maigting na laban vs. rice hoarders, ibinabala ni Speaker Romualdez; PRISM pinakikilos vs. mga kasamahang posibleng sangkot sa pananamantala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinulong ni House Speaker Martin Romualdez ang non-government organization (NGO) Philippine Rice Industry Stakeholders’ Movement (PRISM) ngayong araw, para hingin ang tulong ng grupo na isiwalat kung sino sa kanilang miyembro ang posibleng sangkot sa hoarding ng bigas.

Kasama ng House Speaker sa pulong sina House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos, Appropriations Committee Chairperson Elizaldy Co, Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga, at Vice Chairperson Rep. David “Jay-jay” Suarez.

Kinilala ng Speaker ang hakbang ng PRISM na suplayan ang merkado ng P38 kada kilo ng bigas, ngunit nababahala ito na ang mga ni-raid nilang warehouse ng bigas sa Bulacan na posibleng sangkot sa hoarding at smuggling ay miyembro ng kanilang grupo.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo ay muling nagsagawa ng raid ang Bureau of Customs kasama ang ilang miyembro ng Kamara sa warehouse ng bigas sa Balagtas Bulacan, kung saan natuklasan na ang mga nakaimbak doon na bigas ay inaagiw na.

“The speaker said and indicated na hindi na talaga tayo titigil, we’re gonna go to Visayas and Mindanao. It’s clear naman na some of these people are part of your group, so is there some sort of a commitment that we can get from you to do your part in helping out?…It’s gonna have to be more than talk.” saad ni Rep. Marcos

Kung tapat aniya ang grupo na tumulong sa gobyerno ay ituro dapat nila ang mga kasamahang pinagsususpetsahan na sangkot sa pananamantala.

“We will call them in. We will be the one to talk to them on our terms. If we have to detain them until they tell us the truth, we will do that. And if we have to make sure they’re out of the business of smuggling profiteering or hoarding, we’ll get them out…If you want to be part of the solution, you are with us, we will help you, we’re going to support you. But if you’re part of the problem, we will root you out,” saad ni Speaker Romualdez.

Punto pa ng House leader, hindi maaaring gawing dahilan ng mga trader ang taas presyo sa world market para itaas din ang bentahan nila ng bigas dahil ang mga inaangkat na bigas na pawang mula Vietnam ay 18-porsiyento lang ng ginugugol na bigas ng bansa.

Babala pa ng House leader, na kung hindi titigil ang mga mapagsamantalang trader ay maghihigpit ang pamahalaan sa regulasyon ng importasyon o kaya ay mismong gobyerno na ang mag-iimport ng bigas.| ulat ni Kathleen Forbes

Video courtesy of Office of the Speaker

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us