Mas maraming 4Ps beneficiaries, makikinabang sa pagpapalawig ng electricity lifeline rate registration — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Department of Social Welfare and Development ang pagpapalawig sa pagpaparehistro ng mga kwalipikadong benepisyaryo para sa lifeline rate program.

Kasunod ito ng inilabas na tripartite advisory kung saan ang bagong lifeline rate program ay ipagpapaliban sa Enero 2024.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, sa pag-urong ng full implementation ng bagong lifeline rate program, mabibigyan pa ng pagkakataon ang mas maraming benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na makasama sa programa.

Target sanang simulan ang full rollout ng electricity lifeline rate program ngayong buwan ngunit na-extend ito dahil sa mababang bilang ng registration.

As of Aug. 30, mayroong 47,171 registrants ang naitala sa lifeline program.

Hinikayat naman ng DSWD ang 4Ps beneficiaries na mag-apply sa pinakamalapit na Meralco Business Center kasama ang kumpletong application form, electricity bill, at 4Ps ID habang ang non-4Ps beneficiaries, ay kailangang magsumite rin ng local social welfare development offices (LSWDO) certification at government ID. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us