May 23 barangay sa Bicol,  nasa red category—COMELEC Bicol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon kay Commission on Election Bicol Regional Director Atty. Jane S. Valeza, ay 3,471 na barangay sa buong rehiyon, may 23 barangay dito ang nasa Red Category, Orange 312, Yellow 113, at Green 3,023, may kaugnayan ito sa nalalapit na SK at Barangay Elections.

Narito ang breakdown: Red Category sa Albay 17 at sa Masbate 6.

Sa Orange : Sa Masbate  205,  Camarines Norte 55, Albay 33,  Camarines Sur 13,  at Catanduanes 6.

Sa Yellow:  Masbate 65, Albay 46, at Sorsogon 2.

Sa Green: Sa Camarines Sur 1,050, Albay 624, Masbate 274, Sorsogon 539, Catanduanes 309, at Camarines Norte 227.

Paliwanag ni Valeza, ang isang lugar na nasa red category, may presensiya ng (private armed group PAGs, communist terrorist group at intense political rivalry.

Tinuran rin ng opisyal, sa Bicol ang komisyon nakapagpalabas na ng 49 na show cause order sa mga kandidato sa SK at Barangay Elections. Karamihan sa reklamo sa mga ito ay pre-mature campaigning. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us