Maynila, nagpatupad ng liquor ban kasunod ng gaganaping bar exams sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad ng liquor ban ngayong araw September 16 hanggang 10pm bukas September 17 ang Manila City government para sa gaganaping Bar Exams sa Lungsod sa September 17, 20, at 24.

Sa executive order na inilabas kahapon ni Manila Mayor Honey Lacuña, sinabi nitong magkakaroon ng liqour ban, 500 meters mula sa Unibersidad ng Sto. Tomas at sa San Beda University.

Ang dalawang unibersidad na ito ay gagamiting testing sites para sa bar exams.

Maliban ngayong araw hanggang bukas, ipatutupad din ang liquor ban ng September 19, Martes, simula 12am hanggang 10pm September 20, Miyerkules.

At sa susunod na Sabado September 23, simula 12am hanggang September 24, Linggo, 10pm.

Bawal din ang mga ambulant vendors sa mga testing area, malalakas na ingay tulad ng videoke machine at speakers na pasok sa 500-meter radius.

Hindi rin aniya papayagan ang mass gatherings, parada, party, at iba pang assembly sa parehong lugar at oras.

Ngayong taon, inaasahang aabot sa halos 11,000 bar examinees mula sa 14 na testing sites sa buong bansa ang kukuha ng bar exams ayon yan sa Korte Suprema. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us